Lumalang tampuhan | Pilipino Star Ngayon


Dear Dr. Love — Pilipino Star Ngayon

January 29, 2026 | 12:00am

Dear Dr. Love,

Sumusulat po ako sa inyo dahil gusto ko humingi ng payo tungkol sa aking relasyon. Kamakailan lang po, nagkaroon kami ng tampuhan ng aking girlfriend.

Sa una po, maliit na bagay lang ang naging dahilan, pero parang lumaki at naging mas kumplikado dahil parehong may pride at ayaw mauna sa paghingi ng sorry. Tampuhan nga lang po pero nauwi sa walang kibuan at pansinan.

Gusto ko po magkaayos na kami, pero paano ko ‘yun gagawin?

Xiel

 

 

Dear Xiel,

Sa bawat tampuhan, mahalaga ang pagiging bukas at tapat sa damdamin. Minsan, ang simpleng “pasensya na” o “naiintindihan ko ang nararamdaman mo,” ay sapat na para magsimula ng maayos na pag-uusap.

Huwag hayaang lumaki ang tampuhan dahil sa pride. Tandaan mo, mas mahalaga ang relasyon kaysa sa pride—ang tunay na pagmamahal ay handang magpatawad, makinig, at magsimula muli.

DR. LOVE