MANILA, Philippines — Mainit na tinanggap ng libu-libong Malabuenos ang ATeacher partylist sa matagumpay na motorcade na isinagawa sa lungsod na isang malinaw na indikasyon na susuportahan ng mga taga-Malabon ang partylist sa May 12 midterm elections.
Ang makulay na motorcade, sa pangunguna ng Ateacher nominee na si Virginia Rodriguez, ay umikot sa lungsod at inihayag ang iba’t ibang mga programang idinisenyo upang tulungan ang komunidad, lalo na ang mga mahihirap.
Ang aktibong pakikitungo ni Rodriguez sa mga ordinaryong mamamayan at mga residente ay nagbigay sa partylist ng positibong resulta sa mga surveys kung saan tumaas ang ratings at kasalukuyang nangunguna sa iba’t ibang poll surveys.
Ang tagumpay na ito ay dahilan ng kanyang natatanging paraan ng personal na pag-abot sa komunidad upang ilatag ang kanyang mga makataong programa.
