Marcos binanatan ang St. Timothy sa sablay na flood control project


MANILA, PHILIPPINES — Tahasang ipinagpapaliwanag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang St. Timothy Construction Corp. na pagmamay-ari ng pamilya Discaya, dahil sa palpak na flood control project sa Calumpit, Bulacan, na nagresulta sa matinding pagbaha sa lugar.

“Mas mabuti pa dapat pumunta [St. Timothy Construction] rito, makita nila gaano kahirap ang buhay na binigay nila sa mga kababayan natin,” ani Marcos sa kanyang pagbisita sa Calumpit nitong Biyernes, Agosto 15 para inspeksyunin ang lawak ng pinsala at makausap ang mga residente.

Noong Lunes, Agosto 11, ibinunyag ng Pangulo na 20% ng kabuuang P545-bilyong pondo para sa mga flood control project ay napunta lamang sa 15 kontratista, kabilang na ang St. Timothy Construction Corporation.

Si Sotto, na tinalo si Sara Discaya sa 2025 midterm elections, ay kilala sa transparency at zero-tolerance sa mga “palpak” na proyekto.