MANILA, Philippines — Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.
Binisita ng Pangulo ang naturang terminal para alamin ang pag-unlad at upgrades dito simula ng i-turnover ang operation nito sa New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC).
Sinalubong si Marcos at sinamahang mag-ikot nina Transportation Secretary Vince Dizon, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Eric Ines.
Ayon naman sa Pangulo, ininspeksyon nila ang nasabing lugar dahil mayroon pa silang ina-assess na bagong proyekto para mapabilis ang pagdaloy ng mga travellers na papasok at lalabas ng Maynila lalo na ang mga OFWs.
Marami na rin aniyang pagbabago sa NAIA terminal 3 at maganda na ang pasilidad lalo na para sa mga OFWs dahil personal niya itong nakita.
Dagdag pa ni Marcos, sinuri na rin ni Justice Sec. Remulla ang sistema sa immigration para mapag-aralan kung ano pa ang maaaring pagandahin dito sa sistema.