PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang tapat at wagas na pag-ibig ng kabiyak ang naglapag ng unawa at pagtitiis kung kaya nakamit mo ang iyong pangarap. Manatiling tapat sa kanya para lalo kang ma-bless. Ingatan ang health. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 21, 38 at light blue.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Iwasan ang maging agresibo, dahil sa halip na mapapalapit sa minamahal ay lalo lamang mawawalan ng tiwala sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 36 at blue gray.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Huwag hayaang maging katatawanan ng lahat. Ang pagiging kakaiba ay hindi batayan para maging usap-usapan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 28, 33 at off-white.
GEMINI: (May. 21-Hun. 21) – Pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Ito ang paraan para maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 34, 40 at jade green.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Huwag padala sa bugso ng damdamin. Tiyakin na hindi makakasakit sa mga salitang bibitiwan. Kumalma ka. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at old rose.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Problemado man, lilitaw ang tunay na mga kaibigan. Sapat na ito para maging magaan ang susunod na pagsubok. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 25, 37 at sky blue.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang mga sinasabi sa iyo. Umaksiyon, huwag magkimkim ng sama ng loob. Lucky numbers at color for the day ang 20, 27, 35,42 at yellow orange.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Magiging masaya ang susunod na mga araw. Makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga mahalaga sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 26, 32, 41 at pale yellow.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang pagsisikap ay may kalapit na biyaya. Kaya manatiling pokus sa mga gingawa dahil abot-kamay na ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 26, 37 at lilac.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Huwag mainis kung nagiging makulit ang nakapaligid sa iyo. Dahil lapitin ka ngayon ng mga ito. Lucky numbers at color for the day ang 10, 21, 29, 37 at oak brown.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Hayaang maramdaman ng minamahal ang pagkamaalalahanin mo. Patunay ito na tapat ka sa ikanya. Be happy. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 37 at white.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Maaaring makaramdam ng pagkainip. Pasensiya ang pairalin para makita ang hanggang ng pagpupunyagi. Lucky numbers at color for the day ang 12, 20, 33, 41 at baby pink.