Marso 6, 2025 | Pilipino Star Ngayon


PISCES: (Peb. 19 — Mar. 20) – Huwag idaan sa dahas kung may gusto. “Relax,” dahan-dahan at idaan sa lambing ang pagsasabi ng pakay dahil lalong titingkad ang iyong karisma. Hindi ka mapaghihindian sa pakay na may kasamang ngiti at lambing sa pakikipag-usap. Lucky numbers at color for the day ang 17, 18, 27, 36 at rose quartz.

ARIES: (Mar. 21- Abr. 19) – Huwag pilitin na lumipad na kulang ang pakpak dahil tiyak babagsak. May panahon pa para makaipon. Lucky numbers at color for the day ang 13, 22, 28, 35 at sky blue.

TAURUS: (Abr. 20 — May. 20) – Kung ayaw mong mapag-usapan, gumawa ng tama. Atupagin ng maayos ang trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 16, 20, 21, 25 at bright yellow.

GEMINI: (May 21- Hun. 21) – Kabaligtaran sa inaasahan ang mangyayari. Sikapin na sa abot ng makakaya ay makagawa ng makabuluhang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 19, 28, 38, 39, at pink.

CANCER: (Hun. 2 — Hul. 22) – Kung may mapauunlakan ka, tiyak napakabuti mo sa kanya. Pero kung kabaliktaran, paninira ang matatamo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 16, 24, 38, at jade green.

LEO: (Hul. 23 — Ago. 22) – Katungkulan sa pamilya ang nasa isip. Kung may pinagdaraanan, malalampasan mo lahat kung mahinahon ka. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 22, 23 at scarlet.

VIRGO: (Ago. 23 — Set. 23) – Dahil sa pag-ibig, magiging masigla, maligaya at maraming magagandang bagay ang papasok sa isip. Lucky numbers at color for the day ang 22, 24, 39, 43 at yellow.

LIBRA: (Set. 24 — Okt. 23) – Hanggang kalian ka aasa sa iyong mga magulang, hanggang sa sila ba ay wala na? Kumilos, now na! Lucky numbers at color for the day ang 12, 16, 25, 36, at red.

SCORPIO: (Okt. 24 — Nob. 22) – Wala kang makukuha sa pagsama sa mga taong may masamang bisyo. Humanay sa mga successful na tao. Lucky numbers at color for the day ang 14, 16, 31, 39 at fuschia.

SAGITTARIUS: (Nob. 23 — Dis. 21) – Ang iyong inaakala ngayon ay magkakatotoo. Matatanggap ka sa trabaho kung tugma ang pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 13, 19, 32, 41 at indigo.

CAPRICORN: (Dis. 22 — Ene. 19) – Nasa pagitan ka ng dalawang daan. Sa ganitong situwasyon, pagbasehan ang praktikalidad. Lucky numbers at color for the day ang 15, 22, 28, 39 at pale yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20 — Peb. 18) – May mga nakakairitang bagay ang sasalubong sa iyo at kung papatulan, buong araw na mainit ang ulo mo. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 35, 37 at violet.