Marso 9, 2025 | Pilipino Star Ngayon


PISCES: (Peb. 19 — Mar. 20) – Ang makipag-ugnayan sa mga propesyonal ay makakatulong sa kasalukuyang hanapbuhay. Mag-ingat sa pagpili ng kaibigan dahil lapitin ka ng mga “user.” Mag-ingat sa mandarambong at manloloko. Lucky numbers at color for the day ang 1, 11, 32, 35 at blue.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) – Ang matalik na pagkakaibigan ay mauuwi sa pag-iibigan. Kung sinagot ngayon ang nililigawan, magkakatuluyan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 28, 38, at red.

TAURUS: (Abr. 20 — May. 20) – Kung may suliranin, magpahinga para makapag-isip ng magandang solusyon. Darating ang kailangang tulong. Lucky numbers at color for the day ang 16, 21, 33, 36 at green.

GEMINI: (May 21- Hun. 21) – May sorpresa na naghihintay sa tahanan o kamag-anak. Ngayon maipapamalas ang kaalaman. Lucky numbers at color for the day ang 12, 20, 26, 35 at strawberry red.

CANCER: (Hun. 2 — Hul. 22) – Posibleng may pangyayari na hindi inaasahan, kung ito ay pangit o maganda panahon ang makapagsasabi. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 24, 32 at avocado green.

LEO: (Hul. 23 — Ago. 22) – Maaaring makatanggap ng balita na matagal nang hinihintay. Posibleng may bagay na matatanggap mula sa suitor. Lucky numbers at color for the day ang 15, 23, 38, 40 at jade green.

VIRGO: (Ago. 23 — Set. 23) – Huwag ituloy kung may balak na maglakbay lalo kung tatawid ng dagat. Anuman ang binabalak, ipaglaban muna. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 11, 22 at white.

LIBRA: (Set. 24 — Okt. 23) – Huwag sirain ang magandang araw dahil sa biro, kantiyaw o tsismis. Pagtawanan mo lang ang maririnig laban sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 38, 41 at aquamarine.

SCORPIO: (Okt. 24 — Nob. 22) – Kung sa akala may mga bagay na kailangan baguhin sa tahanan, tamang panahon upang simulan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 11, 39 at tangerine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23 — Dis. 21) – Kung makikinig sa opinyon ng magulang o nakakatanda, magtatagumpay sa iyong hangarin. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 39, 40 at indigo.

CAPRICORN: (Dis. 22 — Ene. 19) – Hindi mapagtatakpan ng karangyaan ang anu-mang pagkukulang sa tahanan. Resulbahin kung may suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 9, 26, 34, 37 at white or cream.

AQUARIUS: (Ene. 20 — Peb. 18) – Pag-ibig ang dahilan ng kasiglahan. Masayahin ka ngayon at madaling malapitan. Madaldal at palatawa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 22, 31, 40 at yellow.