GEMINI: (May.21-Hun.21) – Huwag hayaan na masira ang pagkatao nang dahil sa kinang ng pera. Tiyakin na ang pagkain na ihinahain sa pamilya ay nanggaling sa malinis at marangal na kita. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 37, 42 at yellow.
CANCER: (Hun.22-Hul.22) – Mahihirapan kang makitungo sa mga nakapaligid sa iyo ngayon. Makabubuting magpokus sa ginagawa. Lucky numbers at color for the day ang 31, 34, 37, 42 at blue.
LEO: (Hul.23-Ago.22) – Ang pag-uukulan ng atensyon ay may kaugnayan sa negosyo. Ilang mga detalye ang dapat bigyan ng prayoridad. Lucky numbers at color for the day ang 14, 20, 25, 39 at pink.
VIRGO: (Ago.23-Set.23) – Tanggihan mo ang isang pakiusap ng kasamahan dahil kung pauunlakan ay pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ang 06, 08, 29, 39 at green.
LIBRA: (Set.24-Okt.23) – Posibleng maging maramdamin ka sa araw na ito pero magiging mahusay ka sa pangangatwiran. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 22, 27 at red.
SCORPIO: (Okt.24-Nob.22) – Dahil sa impluwensya ng pag-ibig, magiging masayahin ka. May positibong pagbabago sa mga galaw mo. Lucky numbers at color for the day ang 22, 18, 28, 38 at dollar green.
SAGITTARIUS: (Nob.23-Dis.21) – Para sa ikagaganda ng relasyon, unawa at pasensya ang pairalin. Magiging abala ka sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 04, 05, 33, 42 at white.
CAPRICORN: (Dis.22-Ene.19) – Maganda at tugma ang panahon sa pananalapi. Ihanda ang sarili sa surpresang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 19, 33, 37, 38 at maroon.
AQUARIUS: (Ene.20-Peb.18) – Haharapin ng matatag at mag-isa ang hamon sa buhay. Dahil wala kang makukuhang suporta. Lucky numbers at color for the day ang 14, 20, 33, 43, at scarlet.
PISCES: (Peb.19-Mar.20) – Kung may gagawing paglalakbay, gawin sa umaga nang walang maging sagabal sa byahe. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 19, 37 at aquamarine.
ARIES: (Mar.21-Abr.19) – Kung hindi sasamantalahin ang oportunidad, maiiwanan ka ng mga kasamahan sa pag-asenso. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 13, 31 at tangerine.
TAURUS: (Abr.20-May.20) – Marami kang gustong gawin. Simulan ang pagdisiplina sa sarili para may matapos na gawain. Lucky numbers at color for the day ang 03, 15, 35, 42 at ocean blue.