TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung may balak lumipat ng bahay ngayon ang tumpak na araw. Kung nag-a-apply ng trabaho, matatanggap makalipas ang tanghali kung naaa-yon sa kurso o nalalaman ang kailangan sa inaaplayan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 28, 29, 39 at indigo.
GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) – Maaliwalas ang araw at ang lahat ay tatakbo ng maayos ayon sa gusto. Isang kamag-anak ang maglalambing. Lucky numbers at color for the day ang 9, 26, 47, 25 at red.
CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) – Ang kaligayahang nadarama sa umaga ay may kapalit na kalungkutan sa dapit-hapon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 20, 24, 28 at agate green.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Kusang lalapit ang isang magandang pagkakataon na isang bagay na hindi dapat palampasin. Lucky numbers at color for the day ang 14, 18, 25, 39 at jade green.
VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) – Isang mapalad na transaksiyon ang mabubuo na makapagpapabago sa takbo ng buhay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 32, 40, 42 at purple.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Madaling matatamo ang solusyon sa anumang problema sa nakalipas, kung pagtutuunan ng pansin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 14, 25, 33 at maroon.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ihanda ang sarili sa anumang maganap. Ang magandang mangyayari ay maghahatid ng galak at tuwa. Lucky numbers at color for the day ang 6, 16, 20, 25 at tangerine.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Ang katangiang mapagmahal at maalalahanin ang magbibigay ng labis na harmoniya sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 15, 23, 38, 41 at red.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Panahon ng pagbabago sa ugaling mapagtanim ng galit at poot. Iwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 10, 14 at green.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Ang nakaharap na suliranin ay kagagawan ng sarili, huwag ibato sa iba. Magpakatotoo. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 36. 37 at beige.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung makakasagupa ng taong tsismosa masungit o daldalera, huwag magtaka dahil salamin ito ng sarili. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 11, 16 at blue.
ARIES: (Mar. 21- Abr. 19) – Ang taglay na tensiyon ay mapapawi dahil kusang darating ang solusyon na hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 22, 31, 34, 38 at yellow.