January 1, 2026 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa akong nursing student dito sa Metro Manila pero tubong Batangas ako.
Since hanggang this weekend pa walang pasok, naghihintay pa rin ang parents ko na magbakasyon ako sa amin.
Sa totoo lang wala sa loob ko ang umuwi sa amin. Mula nang mag-Christmas break, kung ano-ano ang dinadahilan ko sa aking mga magulang. Kahapon lang, sinabi ko, may duty ako sa ospital at kulang sa staff.
Pero ang totoo, may ka-live in ako at hindi ko siya maiwan. Mas gusto ko na magkasama kami sa pagsalubong sa bagong taon.
Isa pa, hindi ko pa alam kung dapat kong sabihin sa parents ko ang tungkol sa pakiki-pag-live.
Feeling ko magagalit sila, kaya natatakot ako na magbanggit ng kahit ano tungkol sa kalagayan ko.
Mabait at matino naman ang boyfriend ko. Classmate ko siya.
Sa end niya, hindi naman ganoon ka-attached ang pamilya niya sa kanya, kaya no worries.
Ako lang talaga ang may alalahanin sa panig ng aking pamilya, lalo na sa parents ko. Malamang n’yan ay hindi nila tatanggapin ang pakikipag-live in ko.
Ang worst nito ay baka kapag nalaman nila ay biglang lumuwas mula sa Batangas, pa-punta sa akin, para paghiwalayin kami.
Hindi ko yata kakayanin ‘yun, Dr. Love. Masaya po ako sa piling ng boyfriend ko.
Pero sa isang banda, relieving kung maipapaunawa ko sa kanila na kahit magka-live kami ng boyfriend ko ay pareho naming goal ang makapagtapos ng pag-aaral dahil gusto namin magkaroon ng trabaho na may magandang kita.
Naghahangad kasi kami ng maalwang buhay kapag handa na kaming mag-settle down at bumuo ng sarili naming pamilya.
Pero hindi ko po maintindihan ang sa-rili ko, dahil hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng aking konsensiya kung dapat ko bang sabihin ang sitwasyon ko sa aking pamilya. Pagpayuhan po ninyo ako, Dr. Love.
Alma
Dear Alma,
Ihanda mo ang sarili mo kung desidido kang magsabi ng inyong sitwasyon. Samantalang estu-dyante ka pa rin, na sure ako ay pinag-aaral ka pa ng mga magulang mo.
Puwede mo namang ipakilala muna ang boyfriend mo. Para hindi sila ma-bigla o madismaya. Maliban na lamang kung liberated ang parents mo.
Pero dahil takot ka magsabi, malamang konserbatibo sila.
Ang payo ko, pang-hawakan ninyo ang mindset na magtatapos muna ng pag-aaral, magtatrabaho para mas maging prepared sa future.
Dr. Love