Nobyembre 28, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

November 28, 2025 | 12:00am

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Masakit man pero huwag balewalain ang pangaral ng nakakatandang kapamilya. Dahil ang hangad niya ay kabutihan mo. Isaalang-alang ang matatanggap na suhestiyon. Lucky numbers at color for the day ang 16, 17, 34, 40 at beige.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Sa dahilan na ikaw ang meron, kaya nilalapitan ka. Mas ok ang magbigay kaysa manghingi. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 37, 42 at emerald green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Kung paiiralin ang iyong pagkamahiyain talo ka, dahil hindi mo masasabi ang gusto mong sabihin. Lucky numbers at color for the day ang 19, 28, 36, 39 at pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung daragdagan ang pagtiyaga, makakamit mo ang hinahangad. Abot-kamay na ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 1, 11, 22, 37 at maroon.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Kung may lalakarin pagkalipas ng tanghalian gawin para pumabor sa’yo ang resulta. Lucky numbers at color for the day ang 17, 28, 32, 39 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Madadamay ka sa mga taong negatibo ang enerhiya. Kung hindi ka magpapakatatag, matatalo ka. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 25, 34 at white.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Ituloy ang binabalak dahil magiging positibo ang resulta. Nasa tamang landas ka ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 16, 24, 28, 44 at green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Maging mahinahon, mapagpasensya at maunawain, makakaraos ka sa challenging day mo. Lucky numbers at color for the day ang 12, 29, 35, 37 at light green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Kung tututukan mo ang solusyon sa problema, tiyak may epektibong hakbang na magagawa. Lucky numbers at color for the day ang 19, 29, 36, 41 at mint green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Mapapansin mo ang unti-unting panlalamig ng minamahal. Alamin ang dahilan, kumilos ka. Lucky numbers at color for the day ang 13, 21, 34, 42 at brown.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Malaki ang pagkukulang sa pamilya o minamahal kaya panahon na para makabawi. Lucky numbers at color for the day ang 11, 14, 27, 40 at tangerine.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Huwag magtaka kung ikaw naman ang aangat sa buhay. Abot-kamay mo na ang tagumpay.  Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 30, 39 at red.