Nobyembre 3, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

November 3, 2025 | 12:00am

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) –  Ang meditation ang magbibigay ng mapayapang kalooban. Lawakan ang pang-unawa lalo na sa magpapasaway. Pero panindigan ang tama at huwag patangay sa maling gawi ng marami. Lucky numbers at color for the day ang 21, 17, 47, 53, 35, at duhat purple.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Masaya ang pagtuklas mo ng life purpose. Ang mga event ay tutulong na ma-handle ng mabuti ang mga trials. Lucky numbers at color for the day ang  21, 15, 37, 56, 43, at satin white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) –  Makikilala ang true self. May chance na mabago ang finances kung magsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 11, 46, 23, 56, 37, at emerald green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Magkakaroon ng bagong kontrata sa work. Magsisimula ng bagong negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 11, 46, 57, 28, 11, at sun yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Darating ang tutulong. Mag-practice ng meditation. Makikilala mo ang sariling pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 53, 41, 16, 27, 38, at kidlat red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Pahalagahan ang kalayaan. Ingatan mo ang iyong kalusugan. Umiwas sa mamantikang pagkain. Lucky numbers at color for the day ang 16, 28, 56, 37, 55, at mango orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Maraming investor ang maaakit. Magpapatuloy ang masaganang kabuhayan. Lucky numbers at color for the day ang 32, 11, 22, 43, 52, at orange.

GEMINI: (May. 21-Hun. 21) –  Mag-practice ng oracion meditation. Makakamit ang peace of mind. Lucky numbers at color for the day ang 53, 26, 42, 17, 35, at sandalwood.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Maso-solve ang legal problem. Mapapasaiyo ang nais mo. Pag-isipan ang pagnenegosyo. Lucky numbers at color for the day ang 46, 57, 28, 13, 33, at cyan blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) –  Nasa priority mo ang pagsisimula ng business. Mababayaran ang lahat ng utang. Lucky numbers at color for the day ang 12, 53, 28, 31, 41, at shocking pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Tatanggap ng surprise gift. Magiging masaya ka dahil makukuha ang hinahangad. Lucky numbers at color for the day ang 11, 32, 47, 56, 23, at sapphire blue.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) –  Mase-save ang sarili sa kahihiyan dahil sa taglay na karunungan. Lumayo sa taong madaldal. Lucky numbers at color for the day ang 47, 52, 33, 26, 13, at ruby red.