October 14, 2025 | 12:00am
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Ang mag-init ang ulo o magalit ay magbibigay ng negatibong resulta sa kahit anong gawain. Kung pag-uukulan ng panahon may kalutasan ang suliranin, dahil makakahanap ng tamang solusyon. Dapat paglabanan ang katamaran. Lucky numbers at color for the day ang 4, 16, 26, 36 at emerald green.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kung ang hangad ay tagumpay, gamitin ang lakas ng loob, talino, sipag at tiyaga. Pagyamanin ang mga ito. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 26, 37 at white or dirty white.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung may lakad o lalakarin, gawin sa umaga nang magtagumpay. Huwag muna magpahiram dahil hindi maisasauli. Lucky numbers at color for the day ang 2, 22, 24, 34, at cream o white.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung matamlayan ang katawan, paniningil lamang ito sa pagbabalewalang ginawa sa sarili sa nakaraang araw. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 25, 36 at sky blue.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Aksiyon kaagad sa suliranin dahil kung ito ay hahayaan, hahantong sa matinding problema. Maging maagap. Lucky numbers at color for the day ang 18, 28, 30 at lavender.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung may makakasagupa na walang paggalang, larawan ito ng sarili. Panahon ng pagbago ng masamang ugali. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 28, 39 at jade green.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Alam ang masamang ugaling umiral sa sarili, kung babaguhin, tiyak magbabago ang takbo ng buhay. Lucky numbers at color for the day ang 1, 25, 27, 34 at jade golden yellow.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Dahil sa kasiglahan, magagampanan ang lahat ng gawain ng buong husay at walang sagabal. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 22, 33 at indigo.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Magandang reward ang matatanggap sa mga nakagawa ng kabutihan. Baliktaran naman sa hindi. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 23, 31 at milk white.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kung inaakala na maraming magagawa, nagkakamali dahil ang katamaran ang maghahari. Paglabanan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 33, 34 at honey yellow.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Maging alerto sa lahat ng gawain at kung may ipinangako, maisasakatuparan. Huwag magsugal. Lucky numbers at color for the day ang 10, 19, 30, 39 at beige.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Huwag magmukmok dahil walang mangyayari. Maging kalma at mahinahon, isipin ang magandang solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 36, 43 at sky blue.