Oktubre 24, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

October 24, 2025 | 12:00am

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Dapat ipagpasalamat kung may kaibigan na magsasabi ng totoo tungkol sa hindi kanais-nais na ugali mo, dahil pagmamalasakit ‘yan sa’yo. Baguhin ang dapat baguhin, para magbago rin ang iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 40, 43 at neon green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Dakil ang pagmamahal, na dapat ipagkalooban ng buong katapan. Kung taken na siya, ibaling sa iba ang atensiyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 33, 37 at sky blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang madalas mong reklamo ay magbigay ng demi-rito sa tungkulin. Tiyakin na may matibay na dahilan ka. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 30, 40 at blue.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Mahalagang pakinggan ang mungkahi, pangaral o suhestiyon para sa ikauunlad ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 34, 39 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung may itinatago, iwasang maikwento sa iba dahil tiyak pagkukumpulan ng mga marites ‘yan. Lumayo sa tsismosa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 32, 33 at red.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Tingnan ng mata, pakinggan ng tainga subalit  itikom ang bibig, huwag magtsismis upang hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 18, 43 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung may negosyo, uunlad ka. Kung “buy and sell” ang kalakal, magkaroon ng potential prospect. Lucky numbers at col-or for the day ang 3, 4, 34, 36 at indigo.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Halos lahat ng bawal ay masarap masubukan. Sa mga walang pananagutan sa buhay, huwag tikman ang bawal. lucky numbers at color for the day ang 18, 20, 39, 41 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Masakit man ang mga katagang iyong maririnig, pikit-matang tanggapin dahil alam mong may pagkakamali ka. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 30, 34 at red.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Ang daliri ng kamay ay hindi pantay, ang kaya mo ay hindi kaya ng iba, pero may kaya ang iba na hindi mo kaya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 14, 32, 39 at jade green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kung may pagkakamali, humingi ng dispensa bata man o matanda para hindi masira ang pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 9, 20, 38, 40 at yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Kung may katungkulan at may kamaliang nagawa ang nasasakupan, huwag matakot na kumprontahin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 41, 42 at aqua blue.