October 31, 2025 | 12:00am
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Para hindi malagay sa alanganing situwasyon, isipin muna bago pakawalan ang salita sa iyong bibig. Taglayin ang karunungan sa lahat ng pakikipag-usap o transaksiyon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 21, 32 at scarlet.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Makakabuti kung iiwasan muna ang night outing o affair para maiwasan ang hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 31, 40 at orange.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Magiging masaya ang araw mo dahil sa pag-ibig. Tama ang panahon para pagyamanin ang kaalaman. Lucky numbers at color for the day ang 14, 22, 36, 40 at violet.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Magiging angkop ang araw para magpahinga. Sa hapon may pagkakataon na madalaw ang kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ang 1, 18, 28, 32 at gray.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung buo ang loob, makakamit ang ninanais. Maaaring mabuksan ang tamang landas ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 11, 20, 31, 45 at rainbow.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Magandang balita dahil isang Virgo o Capricorn ang magbigay ng sorpresa, kaligayahan o tulong sa iyo. Lucky numbers at col-or for the day ang 3, 9, 10, 24, 31 at electric blue.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Huwag mag-alala dahil ang taglay na problema ay may kalutasan. Ang tampuhan ng magkasintahan ay maglalaho. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 27, 30 at maroon.
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Good news dahil inaayunan ng panahon na maging positibo ang resulta ng iyong lakad. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 29, 36 at royal blue.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magiging realistic at praktikal ka sa kabila ng pag-aalinlangan sa dapat gawin sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 15, 17, 23, 26 at lavender.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Kakambal ng pag-ibig at pagmamahal ang tiwala. Kung sisibol ang pagduda dapat ang masinsinang pag-uusap. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 35, 42 at sun yellow.