October 5, 2025 | 12:00am
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Kung matamlay, paniningil lang sa pagbabalewalang ginawa sa kalusu-gan. Simulan mo ang pagbibigay halaga sa kalusugan para hindi magsisi. Kung walang karamdaman, maraming matatapos na gawain. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 25, 36 at sky blue.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Aksiyon agad sa suliranin dahil kung hahayaan, hahantong sa matinding problema. Lucky numbers at color for the day ang 18, 28, 30, 38 at lavender.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Alam ng sarili kung ano ang hindi magandang ginagawa. Kung babaguhin ngayon, may suwerteng dara-ting. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 28, 39 at jade green.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Wala kang magiging anumang problema sa maghapon, maliban sa makakaranas ng pagod. Magpahinga. Lucky numbers at color for the day ang 8, 14, 28, 38 at beige.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Magandang gantimpala ang matatanggap sa mga nakagawa ng kabutihan. Kabaliktaran sa mga hindi. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 23, 31 at white.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung may lalakarin, gawin sa umaga para magtagumpay. Huwag muna magpahiram dahil hindi masasauli. Lucky numbers at color for the day ang 2, 22, 24, 34 at violet.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Kung inaasahan mong suportado ka ng iyong boss o ang nakakataas, nagkakamali ka. Sariling sikap ka. Lucky numbers at color for the day ang 14, 22, 29, 34 at pink.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung positibo ang isip o iisipin, hindi magkakamali sa mga gawain lalo na kung may gagawing desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 15, 30 at green.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Magpakatotoo, prangka at tapat. Disiplina sa sarili ang taglayin sa bawat salita, kilos at gawa. Lucky numbers at color for the day ang 1, 25, 27, 34 at golden yellow.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kilos at gawa, dahil lahat ay makakaya para matupad ang mga pangarap. Suportado ka ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 28, 38, at yellow.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Hingiin ang opinyon ng higit nakakaalam dahil nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama. Lucky numbers at color for the day ang 2, 6, 19, 33 at tangerine.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Isang Capricorian ang magbibigay ng kasiyahan. May pagkakataon na makasagupa ng taong arogante. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 37, 41 at apple green.