Pagpapababa sa presyo ng bigas, agricultural products, isusulong


MANILA, Philippines — Nangako si ATeacher Partylist Virginia Rodriguez na isusulong ang mga inisyatiba para mapabuti pa ang edukasyon at mapababa ang presyo ng pangunahing bilihin sa bansa kabilang ang bigas at iba pang agricultural products. 

Si Rodriguez, na author ng librong “Leave Nobody Hungry,” ay eksperto sa pagpapababa ng presyo ng pangunahing bilihin bunsod na rin ng kaniyang kaalaman sa agricultural output ng bansa. Siya ay negos­yante at philanthropist, na naging kauna-unahang Filipina na nagsulong ng cancer-free nation at sa pamamagitan ng paglikha ng organic vitamins para makatulong labanan ang sakit na cancer.

Ayon kay Rodriguez, bahagi ng mga programa ng ATeachers Partylist ang paghihikayat na gumamit ng organic fertilizers at pagpapatupad ng modern agricultural techniques.

Target din ni Rodriguez na mas mapagbuti ang imprastraktura sa bansa at ang mga kalsada patungo sa mga paaralan.