Pangulong Marcos dadalo sa libing ni Pope Francis


MANILA, Philippines — Dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa libing ni Pope Francis sa Vatican ngayong darating na Sabado, Abril 26.

Kasama ng Pangulo sa pagdalo si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, ang pagdalo ng Pangulo ay bilang pakikiisa at paggalang ng sambayanang Pilipino para sa yumaong Santo Papa, na nagsilbing gabay at inspirasyon sa milyun-milyong Katoliko sa buong mundo.

Gaganapin ang funeral Mass sa St. Peter’s Square sa Vatican ­ganap na alas-10 ng umaga, oras sa Roma kung saan pangungunahan ito ni Cardinal Giovanni Battista Re, Dean ng College of Cardinals. Matapos ang misa, ang labi ni Pope Francis ay dadalhin sa Basilica of St. Mary Major para sa kanyang huling himlayan – isang simbahan na madalas niyang bisitahin sa mahahalagang sandali ng kanyang panunungkulan.

Bukod kay Pangulong Marcos, 18 mga pinuno ng iba’t-ibang bansa ang dadalo libing ng Santo Papa kabilang na si Ukranian President Volodomyr Zelensk at mga opisyal ng Simbahang Katolika mula sa iba’t ibang bansa.