Para makapag-ehersisyo mga Pinoy
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas sa publiko ng Philippine Sports Commission (PSC) ng mga track and field oval para makapag-ehersisyo ang publiko.
Sinabi ni Marcos sa kanyang ika-4 na State of the Nation Address (SONA) na layon nito na mahikayat ang mga Pilipino na mas maging aktibo ang pamumuhay.
Patuloy aniya ang sobrag pagtaas ng timbang ng mga kabataang may edad 20 pataas kaya dapat sikaping mas maging aktibo ang ating pamumuhay araw-araw at ipalaganap ang pagsasagawa ng mga palaro, paliga, fun runs, at fun walks maging ang mga aerobics at pa-zumba.
Kaya para makapag-jogging ng libre ang publiko, pinabuksan ni Marcos ang PSC track and field oval sa Pasig, Maynila at Baguio.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga lokal na pamahalan na magkaroon ng mga espasyo kung saan makakapag-ensayo ang mga mamamayan maging bata man o matanda sa mga park at plaza.
Nais din ng Pangulo na magpatupad ng “car free sunday” tulad ng ginagawa sa ilang lungsod dito sa Metro Manila, Baguio, Cebu, Iloilo at Davao.
