PCG: Barko ng CCG, naispatan malapit sa Zambales


Mer Layson — Pilipino Star Ngayon

February 28, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) na isa pang barko ng China Coast Guard (CCG) ang naispatan sa karagatang malapit sa Zambales, na pasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, namataan nila ang CCG vessel 3301, may 105 hanggang 110 nautical miles mula sa coastal area ng Zambales.

Tiniyak naman ni Tarriela na patuloy na iginigiit ng BRP Teresa Magbanua ang karapatang pang-soberenya ng Pilipinas, sa kabila ng ilegal na presensiya ng barko ng China sa ating teritoryo.

“The PCG has actively communicated with the CCG vessel via radio, clearly indicating that its presence constitutes a violation of the Philippine Maritime Zones Act, the United Nations Convention on the Law of the Sea, and the 2016 Arbitral Award,” ani Tarriela.

Dagdag pa niya, “Despite challenging sea conditions, with wave heights reaching two to four meters, the BRP Teresa Magbanua has remained steadfast in its mission for over a week.”

Paniniguro pa ni Tarriela, patuloy ang dedikasyon ng PCG na protektahan ang maritime rights ng bansa, at tiyakin ang kaligtasan ng mga ­mangingisdang Pinoy, pagpapatupad ng international law, at pahupain ang tensiyon sa WPS.

?

­