Pebrero 14, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

February 14, 2026 | 12:00am

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) –  Ang problema tungkol sa pag-ibig ay magagawan ng mga paraan, kaya relax ka lang. Pagtuunan ang mga bagay na mas mahalaga, dahil makakapaghinaty naman ang iba. Iwasan ang labis na pagpupuyat. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 28, 40 at indigo.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Isang kamag-anak ang hihiram ng pera. Magpa-katotoo, wala ka naman magagawa kung ikaw rin ay nangangaila­ngan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 27, 32 at violet.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – May posibilidad na magtagumpay ang iyong nila­lakad. Kung gagamitin ang talino at lakas ng loob, tiyak mas malayo pa ang iyong mararating. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 42 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Huwag magmayabang at lalong huwag isipin na mas magaling ka kaysa sa iba. Alalahanin na may kaya siyang gawin na hindi mo kaya. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 30, 37 at red.

GEMINI: (May. 21-Hun. 21) – Taglay mo ang kakayahan sa lahat ng bagay. Ma­lakas ang perso­nalidad at mapapasunod mo ang iyong mga kasama. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 23, 41 at yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Malamang pansamantalang magkakalayo kayo ng iyong minamahal. Walang dapat ikatakot dahil saglit lang naman. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 34, 45 at purple.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) –  Huwag kang papayag sa baluktot na pagpapasiya ng ilan sa mga kasamahan. Magsiyasat at kumpirmahin bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 34, 41 at pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kung may negosyo, makapaglalakbay, mag-­ingat lang dahil sa sadyang­ may taong magdudulot ng pagkasira ng iyong mga plano. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 33 at orange.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Marami kang plano pero kulang ka sa aksiyon at implementasyon. Kumilos para matupad ang mga balak mo. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 37, 44 at jade green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) –  Magpasalamat sa Maykapal dahil bubuhos ang siksik, liglig at umaapaw na biyaya. Matutupad ang mga pa-ngarap.  Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 24, 38 at brown.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) –  Iwasan ang masamang bisyo. Pag-ukulan ng panahon ang iyong mahal. Mas kailangan ka niya ngayon. Ibaba ang pride. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 35, 40 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang pag-ibig ay parang hangin na hindi mo nakikita, ngunit nararamdaman. Kaya ipakita at iparamdam ito sa iyong minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 33 at maroon.