Pebrero 21, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

February 21, 2025 | 12:00am

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Marami ang maiinis sa iyo pero happy ka lang, dahil tuloy-tuloy ang daloy ng biyaya sa iyo. Huwag pulutan ang basurang itinapon ng iba, pokus ka sa goal mo at magpakatatag dahil magtatagumpay ka. Lucky numbers at color for the day ang 43, 26, 39, 55, 15, at magenta red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Magiging emosyonal ka ngayon. Kung magiging masaya ka o malungkot, ikaw lang makakapili. Lucky numbers at color for the day ang 23, 36, 49, 15, 51, at dollar green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Meron kang control sa iyong vibrational emotions. Ito ang magbibigay sa iyo ng komportableng galaw. Lucky numbers at color for the day ang 43, 26, 59, 33, 45, at cinnamon brown.

GEMINI: (May. 21-Hun. 21) – Excited ka sa evolution ng ideas mula sa inspiration. Sisibol ang masaganang negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 23, 46, 59, 33, 11, at cobalt blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) –  Mapipigilan ang saya kapag ang influence nito ay mula sa kapwa. I-enjoy mo ang vibration ng inner being. Lucky numbers at color for the day ang 43, 36, 29, 11, 56, at satin white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Huwag pakialaman ang feeling ng kapwa. Ikaw ang may ari ng iyong damdamin, kaya dun ka magpokus. Lucky numbers at color for the day ang 33, 26, 59, 12, 22, at carrot orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) –  Hindi lahat ng kapwa ay matutuwa sa iyong kasiyahan. Ang iyong mood ang dahilan ng iyong happiness. Lucky numbers at color for the day ang 33, 46, 39, 15, 51, at cyan blue.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Kailangan ang strong feeling upang sumibol ang masayang relationship. Magpokus ka rito. Lucky numbers at color for the day ang 23, 36, 49, 52, 11, at magenta red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) –  Enjoy ka sa iyong pag-iisa. Pero maraming magpapasaya sa iyo. Eager ka magkaroon ng partner. Lucky numbers at color for the day ang 23, 36, 49, 15, 53, at ultra violet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) –  Feeling secure ka sa iyong kalooban. Kapag ganito, ang good feelings ang mararanasan. Lucky numbers at color for the day ang 33, 46, 58, 11, 22, at satin white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Lagdaan ang contract. Ang idea mo ay nag-e-evolve sa negosyo. I-enjoy mo ito. Lucky numbers at color for the day ang 23, 45, 57, 41, 11, at vanilla brown.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Tatanggap ng reward sa kabutihang ginawa. Winner ang pagiging frontliner mo. Lucky numbers at color for the day ang 33, 26, 49, 15, 51, at turmeric yellow.