MANILA, Philippines — Sa sandaling magawa ang panukalang ammunitions hub sa Subic, magkakaroon ang Pilipinas at Estados Unidos ng mas maraming bala sa kasaysayan, higit pa sa anumang bansang nagkaroon nito.
“We are going to have more ammunition than any country ever has and that’s very important to me,” pahayag ni US President Donald Trump sa kanilang pagpupulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa White House, Washington D.C.
Sinabi naman ni Pangulong Marcos na welcome ang panukala ng US na ammunition hub sa Subic at iba pang defense at security deals sa Amerika dahil nararamdaman na ang pangangailangan nito.
Dagdag ni Marcos, kinokondisera nila ito na bahagi ng modernization ng Philippine military sa pagtugon sa mga pangyayari sa paligid ng South China Sea.
Bahagi rin aniya ito ng pagtulong ng Amerika sa Pilipinas sa ating self-reliance defense program na pinayagan tayo na maging self-reliant para makatayo sa dating mga paa anumang ang mangyari sa hinaharap.
“The reason that we have encouraged more interaction in the United States is because it is necessary,” pahayag ng Pangulo.
Ang Amerika ang nanatiling nag-iisang traditional ally ng Pilipinas at nang maupo si Marcos sa kanyang puwesto ay pinayagan nito ang tropa ng US na magkaroon access sa maraming pa military bases sa bansa habang patuloy namang inaangkin ng China ang buong South China Sea sa kabila ng 2016 arbitral ruling.
