MANILA, Philippines — Naglaan na ng relokasyon at pansamantalang tirahan ang Philippine embassy para sa mga filipino na naapektuhan ng 7.7 magnitude na lindol sa Myanmar kung saan libu-libong katao doon ang nasawi.
Sa facebook post ng embahada, iniulat nito na magbibigay sila ng trasportasyon at pansamantalang tirahan sa unang batch ng mga Pinoy na nag-avail sa alok ng Philippine embassy na boluntaryong relocation program para sa distressed OFWs na naapektuhan ng malakas na lindol.
Sinabi pa ng Philippine embassy na habang nasa kustodiya nila, ang mga Filipino ay bibigyan ng welfare assistance kabilang na dito ang financial, at medial assistance tulad ng trauma counselling.
Sa nauna rin nilang post, sinabi nito na pinadali na nila ang temporary voluntary relocation ng 15 Pinoy sa nasabing bansa noong Abril 3.
Base sa ulat, umaabot na sa 3,000 ang death toll sa malakas na lindol sa Myanmar habang daan-daan pa ang nawawala at apat na Pinoy pa ang hindi unaccounted.
Samantala inaasahang darating na rin aniya ang National Bureau of Investigation (NBI) Disaster Victim Identification division (DVD) sa Mandalay para i-secure ang tissue samples na nakolekta mula sa mga hindi pa nakikilalang bangkay mula sa Sky Villa site.
Lumalabas sa ulat na mayroong mga Pinoy ang nasa Sky villa building ng gumuho ito dahil sa malakas na lindol.
Nauna nang sinabi ni Chargè d’ Affaires Angelito Nayan na sa 128 Pinoys, 121 na sa nasabing area ang nakumpirmang ligtas, maliban sa apat na hindi pa nakikita.
