MANILA, Philippines — Suportado ni ATeacher partylist nominee, Virginia Rodriguez ang mga programa at inisyatiba ng Marcos administration na layong mapababa ang presyo ng pangunahing bilihin kabilang ang bigas at iba pang agricultural products.
Dahil sa pagbaba ng presyo ng bilihin, bumaba din ang naitalang inflation rates noong Enero at Pebrero na napanatili sa minus 2.3 percent kumpara sa minus 2.8 percent noong Hunyo 2020.
Ayon kay Rodriguez bunsod din ito ng mga hakbang ng pamahalaan at pakikipagtulungan ng ATeacher partylist na nagkakaloob ng organic fertilizers, livelihood programs, at seminar sa mga magsasaka upang matuto silang gumamit ng modern agricultural machines at modernong mga technique sa pagsasaka.
Isinusulong din ni Rodriguez ang mas maayos na sistema sa edukasyon sa bansa at ang pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan.
Nais ni Rodriguez na matugunan ang pangangailangan ng mga guro partikular ang pagkakaloob sa kanila ng libreng dalawang sako ng bigas kada buwan at pagsigurong mayroon silang access sa libreng WiFi dahil mahalaga ito sa kanilang pagtuturo.