MANILA, Philippines — Nagpahinga muna si independent senatorial candidate Ariel Querubin sa pangangampanya upang ipagdiwang ang kanyang ika-69 kaarawan sa Philippine Navy headquarters sa Taguig City kung saan siya nagsilbi bilang Marine officer sa loob ng 35 taon.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga sundalo kasama ang AFP retirees, binigyan diin ni Querubin ang pagkakaisa at katapatan sa Konstitusyon.
“Sana lahat tayo ay nagkakaisa. Itong mga hidwaan natin ay isantabi muna natin kasi ang dami nating problema na dapat nating hinaharap na nagkakaisa tayo,” ani Querubin.
Pinaalalahanan din nito ang mga uniformed personnel na manatiling non-partisan at pairalin ang batas.
Si Querubin na Medal of Valor awardee ay tumatakbong independent sa May 2025 midterm elections.