Quezon City Rep. Atayde, local bets inendorso ng INC


MANILA, Philippines —  Tatlong araw bago ang araw ng halalan ay tumanggap si Quezon City First District Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde at iba pang local candidates ng suporta mula sa Iglesia Ni Cristo (INC).

“Lubos po ang aking pasasalamat muli sa tiwalang ipinagkaloob ng mga Kapatid sa Iglesia Ni Cristo, lalo na kay Ka Eduardo V. Manalo,” ani Atayde.

Hangad ni Atayde, nanalo noong 2022 elections, ang kanyang second term sa likod ng kanyang magandang legislative record at matagumpay na implementasyon ng mga district-level programs na tumutok sa employment, health care, education at food security.

Kabilang sa kanyang mga major legislative accomplishments ay ang authorship o co-authorship ng mga key national laws kagaya ng Eddie Garcia Law, ang Magna Carta of ­Filipino Seafarers, ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, ang ­Internet Transactions Act, ang Regional Specialty Centers Act, ang SIM Registration Act, ang Ease of Paying Taxes Act at ang New ­Government Procurement Act.