MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Saranggani nitong Miyerkules.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-12:14 ng hapon nang tumama ang lindol na ang setro ay naitala sa 037 kilometro ng timog kanluran ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang ugat ng lindol at nasa 013 kilometro ng lupa ang lalim ng naturang lindol.
Bunsod nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity V sa Glan, Saranggani; Intensity IV sa Kiamba, Saranggani, General Santos City, Malungon, Alabel, Saranggani, Tupi, at Polomolok, South Cotabato.
Intensity III naman sa Maasim, Maitum, Malapatan, Saranggani, Lake Sebu, at Tampakan, Soutj Cotabato, at Intensity II sa Koronadal City, Banga, Surallah, South Cotabato.
Ayon sa Phivolcs, asahan na ang aftershocks, pero walang naiulat na pinsala dahil sa katubigan higit tumama ang pagyanig. Wala ring ipinalabas na tsunami alert ang ahensya kaugnay ng naganap na lindol.