Setyembre 23, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 23, 2025 | 12:00am

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Mapapansin mo ang unti-unting panlalamig ng kaibigan o minamahal. Kung hindi mo alam ang dahilan, walang masama kung tanungin para magkaliwanagan. Daanin sa diplomasya ang pakikipag-usap nang walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 13, 21, 34, 42 at brown.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Malaki ang iyong pagkukulang sa pamilya o minamahal kaya si-guro panahon na para makabawi. Lucky numbers at color for the day ang 11, 14, 27, 40 at tangerine.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Pag-isipan ng mabuti ang ginagawa para hindi magkamali. Mag-ingat sa pagsasalita o sa pag-gawa. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 30, 39 at red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Masakit man, ngunit huwag balewalain ang pangaral sa iyo. Ang mungkahi o suhestiyon ay dapat isaalang-alang. Lucky numbers at color for the day ang 16, 17, 34, 40 at beige.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Nang dahil mayroon ka ngayon, huwag magtaka kung ikaw ay lalapitan at hihingan ng tulong. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 37, 42 at emerald green.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Kung paiiralin mo ang iyong pagkamahiyain, talo ka dahil hindi mo masasabi ang gusto mong sabihin. Lucky numbers at color for the day ang 19, 28, 36, 39 at pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung daragdagan ang pagtitiyaga at pagsisikap, makakamit ang minimithi. Abot-kamay na ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 1, 11, 22, 37 at maroon.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Kung may lalakarin, gawin pagkalipas ng tanghalian para hindi madismaya. May kalituhan sa plano. Lucky numbers at color for the day ang 17, 28, 32, 39 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Madadamay ka sa mga tao na negatibo ang enerhiya, kung hindi magpapakatatag. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 25, 34 at white.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Ituloy ang binabalak dahil magiging positibo ang kalalabasan. Nasa tamang landas ang iyong tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 16, 24, 28, 44 at green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Hindi maganda ang araw, ngunit kung mahinahon at maunawain, makakaraos ng matiwasay. Lucky numbers at color for the day ang 12, 29, 35, 37 at light green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Huwag hayaan kung may problema na hindi maresulba. Dahil lalong lalaki kung mapapabayaan. Lucky numbers at color for the day ang 19, 26, 36, 41 at mint green.