September 24, 2026 | 12:00am
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan dahil sisirain ang pamilya o ang kasalukuyang relasyon. Huwag magpadala sa matamis na salita dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Mag-ingat sa manloloko. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 31, 40 at yellow.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Upang hindi magkabuhol-buhol, ayusin ang mga schedules at repasuhin dahil makakalimutin ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 29, 33 at brown.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Huwag magtiwala sa nararamdaman dahil mahina at mababa ang ESP. Kung ano ang iniisip, ipagpaliban muna. Lucky numbers at color for the day ang 15, 24, 39, 42 at red.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Iiral ang pagkatamad, pagkamasungit, mainitin ang ulo at madaling magalit. Ito ang dapat paglabanan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 25, 39, 43 at blue.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Sa impluwensiya ng panahon, walang magiging suliranin nga-yon. Magiging masaya ang pakikihalobilo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 23, 41 at maroon.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – May pabuya sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon sa trabaho, huwag magkumento. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 29, 38 at avocado green.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Lakasan ang loob sa mangyayari. Kung naging magulo ang buhay sa nakalipas, ngayon babalik sa normal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 28, 39 at gray.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Huwag magsisi kung may nagawang mali, ipalagay na charge to experience ito at na hindi na dapat maulit. Lucky numbers at color for the day ang 20, 29, 34, 42 at yellow.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Malilito ka sa mga alok. Lalong mabuti kung makapag-isa para makapag-isip ng tamang paraan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 26, 37 at jade green.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magtiwala sa nararamdaman. Kung ano ang iniisip, kilos at gawin dahil may mapapala. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 36, 39 at aquamarine.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Magugulat ka sa makikita dahil hindi mo sukat-akalain. Isang dating insidente ang mauulit. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 34 at ruby red.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Unahin ang kapa-kanan bago ang iba. Walang maibibigay na tulong sa iba kung sarili ay kapos. Lucky numbers at color for the day ang 18, 23, 36, 38 at red.