Setyembre 5, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 5, 2025 | 12:00am

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Maliksi ang katawan, maganda ang mood at isip. Walang magiging sagabal at matatapos ang gawain. Sa tahanan, susubukan ang iyong pasensiyai. Pairalin ang pagkamahinahon nang walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 16, 32 at mint green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Sa tiyaga at sipag makakamit ang tagumpay. Sa mga tamad, kahirapan pa rin ang daranasin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 26, 36 at brown.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Sa gawa at wala sa salita makikita ang tunay na pag-ibig. Kung manliligaw, magbigay ng chocolate. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 27, 35 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Ang taglay na talino at mabilis na pagkilos ay siyang magliligtas sa’yo sa mga taong sasalungat. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 28, 36 at avocado green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung may balak, ituloy at huwag mag-alinlangan. Kung sa kasamaan ang balak, huwag gawin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 24, 35 at pink.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Hindi sinasadya na may matutuklasang lihim, kung nakakatuwa o nakakalungkot, ikaw lang ang kapagsasabi. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 25, 33 at fuchsia.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Sa mga nag-apply ng trabaho lalo na sa abroad, inaayunan ng panahon ang tagum-pay kung lalakarin sa umaga. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 21, 36 at yellow.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Mag-ingat dahil magiging malapit ka sa mga taong mapagsamantala. Huwag basta maniwala kahit kanino. Lucky numbers at color for the day ang 16, 29, 36 at yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Wala maaasahang tulong mula sa kaibigan at kahit kanino. Sariling sikap kayod ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 5,1 0, 23, 42 at red.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Madaling magpaunlak ang kamag-anak o kaibigan. Bigyan ng wastong pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 33, 44 at gray.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kung hangad ang mataas na grado, simulan ang mag-sikap sa pag-aaral ng lesksiyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 23, 33 at lavender.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Matatanggap ang gantimpala sa pagpapahalaga sa payo ng magulang o guro. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 26, 38 at lemon green.