December 14, 2025 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Dalawang taon na kaming mag-dyowa ng boyfriend ko. Pero sa tuwing nagkakagalit kami ay sinasaktan niya ako.
At kapag nakikipaghiwalay ako, nananakot siya sa pamamagitan ng pagbabanta na may gagawing masama sa pamilya ko.
Ngayon ko nare-realize na kung sana nakinig ako sa sinasabi ng nanay ko, na hindi siya boto sa boyfriend ko, hindi na sana ako nakipagrelasyon sa kanya.
Pagpayuhan po ninyo ako kung ano ang tamang gawin para tantanan na ako ng boyfriend ko.
Lucy
Dear Lucy,
Hindi pa huli ang lahat para pakinggan mo ang iyong nanay. Wala kang ibang dapat gawin kundi makipag-break sa kanya.
Dahil may pangyayari nang pananakit at pagbabanta sa’yo at sa iyong pamilya, i-report mo ‘yun sa police.
Higit na magiging matibay ang kaso mo laban sa kanya kung may ebidensiya ka ng pasa o anumang marka ng pisikal na pang-aabuso niya sa’yo.
Pumunta ka agad sa public doctor para makahingi ng medical certificate bilang patunay na sinasaktan ka niya. Pero huwag mo nang hintayin pa na pagbuhatan ka niya uli ng kamay. Maka-kabuti rin na ipaalam mo sa iyong ina ang nararanasan mo sa iyong boyfriend para matulungan ka niya para sa iyong seguridad.
Dr. Love