February 23, 2026 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa akong food rider. May asawa at 3 anak. Dati ay maligaya kami ng misis ko. Pero naging malungkot ang karugtong ng buhay ko matapos sumama sa ibang lalaki ang aking asawa.
Dahil sa nangyari ay hindi na ako makapag-focus sa mga delivery order sa akin hanggang sa nawalan ako ng trabaho.
Dinala ko ang aking mga anak sa probinsiya namin para roon humanap ng bagong kapalaran. Doon ko nakilala ang aking bagong pag-ibig na 10 taon na mas bata sa akin. Alam niya ang a-king karanasan at hindi ito importante sa kanya. Pero ang gusto niya, makasal kami.
Limang taon na rin kaming hiwalay ng misis ko at ang balita ko’y may anak na siya sa iba.
Ano ang mabuti kong gawin?
Rex
Dear Rex,
Hindi mo nabanggit kung kasal ka sa misis mo na sumama sa ibang lalaki. Pero pagpalagay na ganon ang estado ninyo, valid ground ang marital infidelity para mapawalang bisa ang kasal.
Pero bukod sa maproseso ito ay may kamahalan ang pagla-lakad ng ganitong legal documents. Ang payo ko ay humingi ka ng legal na payo kung may kakilala o kapitbahay kang abogado o kaya’y lumapit ka sa Public Attorney’s Office para sa wastong gabay sa kaso ninyo ng iyong misis, nang sa gayon ay tunay na makapagsimula kang muli.
Tiyakin mo lang na “walang sabit” ang bago mong pag-ibig dahil kung hindi ay magiging salasalabat ang problema, bagay na hindi lang makakaapek-
to sa’yo kundi lalo na sa iyong mga anak.
Hangad ko na mapili mo ang pinakamabu-ting desisyon para matamo mo ang tunay na kaligayahan.
Dr. Love