Sumuporta sa Speakership bid ni Romualdez dumami pa


MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang mga kongresista na sumusuporta sa ­speakership bid ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa papara­ting na 20th Congress nang sumama ang 285 mambabatas na mga miyembro ng LP.

Ayon kay Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez ng Quezon, pinagtitibay ng pangyayaring ito ang ­lumalawak na pagkakaisa sa ­pagitan ng iba’t ibang partido na si Romualdez pa rin ang pinakamabisang, pinakamagkakaisa at pinakakarapat-dapat na mamuno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa nalalabing tatlong taon ng administrasyong Marcos.

“As of today, 285 House members have expressed support for Speaker Romualdez, with 278 lawmakers having already signed formal declarations—including four out of six members of the LP who are now part of the larger movement for legislative continuity and national stability,” ani Suarez.

Kasama sa supermajority bloc ng 20th Congress ang mga pangunahing partido tulad ng Lakas-CMD, Nacionalista Party (NP), National Unity Party (NUP), ­Nationalist People’s Coalition (NPC), Partido Federal ng ­Pilipinas (PFP), Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI), at LP.

Para sa maraming mambabatas, ang desisyon ng karamihan sa mga miyembro ng LP na umanib kay Speaker Romualdez ay sumasalamin sa pagkilala sa kanyang kahusayan sa pamumuno at kakayahang magpatupad ng mga polisiya—mga katangiang mahalaga sa panahong ang mabisang paggawa ng batas at pagkakaisa ng institusyon ang dapat mangibabaw kaysa sa pagkakaibang pampulitika.