Pilipino Star Ngayon
November 7, 2025 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Limang taon na kami ng gf ko at gusto na njyang magpakasal na kami. Hindi na rin kasi siya bumabata at malapit na siyang mawala sa kalendaryo. Pero ang problema ko, kahit matagal na ang relasyon namin, walang ginawa ang gf ko kundi ang magselos.
Nasasakal at nababanas na ako sa mga pagseselos niya. Sinasabi niya, sign lang daw ‘yun dahil sobrang mahal niya ako. Mahal ba ‘yung laging may tamang hinala sa bawat kilos at pagti-text ko? Paano ko ba sasabihin sa gf ko na hindi ko na makita ang sarili ko na siya ang kasama ko sa future.
Ayaw ko siyang masaktan, pero sa pagseselos niya ay mas napapalayo ang loob ko sa kanya. Ano ba ang dapat kong gawin?
Marvin
Dear Marvin,
Kung wala ka na palang plano na pakasalan ang gf mo ay huwag mo nang patagalin, sabihin mo na agad sa kanya ang totoo. Para pareho kayong makalaya. At para hindi na rin siya umasa sa wala.
Nang sa gayon ay kapwa kayo maka-move on at makahanap ng mga partners na maaaring nakalaan para sa inyong dalawa.
Dr. Love