MANILA, Philippines — Muling tumaas ang hunger rate ngayong buwan mula nang ipatupad ang lockdown noong taong 2020.
Base sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa noong March 15-20, may 27.2 percent ng respondents ang nagsabing sila ay dumanas ng involuntary hunger o pagkagutom at walang makain.
Mas mataas ito sa 21.2% noong Pebrero o halos nadoble kung ikukumpara sa 15.9% noong Enero.
Mas mataas din ito sa 20.2% average noong 2024 habang ito na ang pinakamataas mula sa 30.7% COVID-19 pandemic noong September 2020.
Ayon sa survey, 21% ng respondents ang nagsabing dumanas sila ng moderate hunger mula 15.8% noong Pebrero at 6.2% naman ang dumanas ng severe hunger mula 5.3%.
Ang moderate hunger ay yaong mga taong dumaranas ng minsang pagkagutom sa nagdaang tatlong buwan samantalang ang severe hunger ay mga yaong laging dumaranas ng gutom.
Ang involuntary hunger ay tumaas sa Visayas, 33.7%; Metro Manila, 28.3%; Mindanao, 27.3% at Luzon, 24%.