February 28, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Lalo pang tumaas ng 10 pwesto ang Trabaho Party-List sa Stratbase-SWS February 2025 pre-election survey na inilabas ng Social Weather Stations kahapon.
Mula sa pagiging rank 36 noong Enero ay naging rank 26 na ngayon ang Trabaho Party-List sa mga napipisil na iboto ng taumbayan sa darating na halalan sa Mayo 12.
Ang pagtaas na ito ay kasunod rin nang kamakailang pagtaas ng 19 na pwesto sa nakaraang nasyunal na survey kung saan ang mga lumahok ay tinanong ng “kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sino po ang pinakamalamang ninyong iboboto bilang PARTY-LIST?”
Ang pinakahuling SWS-Stratbase survey ay isinagawa mula Pebrero 15-19 sa pamamagitan ng personal at harapang pakikipagpanayam sa 1,800 rehistradong botante mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas — 300 sa Metro Manila, 900 sa iba pang mga bahagi ng Luzon, 300 sa Visayas, at 300 sa Mindanao.