Trump binawasan ng 1% taripa ng Pinas


MANILA, Philippines — Binawasan ng Estados Unidos ng 1% ang taripa na ipinataw sa Pilipinas matapos na magkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump sa open zero tariff sa Amerika.

Mula sa 20% reciprocal tariff na ipinataw ng Trump administration, ay ginawa na itong 19%.

Sa kanyang X account, sinabi ni Trump na isang karangalan na makausap si Pangulong Marcos Jr. na aniya ay mabuting tao at isang tough negotiator at pumayag na rin ang PIlipinas sa isang open market sa Amerika na may zero tariffs.

Subalit nilinaw ni Marcos na ang zero tariffs ay ipapatupad lamang sa ilang mga produkto tulad ng automobiles.

Itinanggi naman ni Marcos na dehado ang Pilipinas, sa kabila ng 19% na taripa na mas mataas pa rin kaysa 7% na ipinataw noong Abril.

“One percent might be a very small concession, however when you put it in real terms, it is a significant achievement,” ayon pa sa Pangulo.

Sa naturan ding pulong, pormal na inimbitahan ni Marcos si Trump na bumisita dito sa Pilipinas.

Nang tanungin kung kailangan siya bibisita sa Pilipinas, “soon” sagot ni Trump.