MANILA, Philippines — Bagsak ang trust at performance ratings ng Senado sa ikalawang quarter ng Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research na isinagawa noong Hulyo 12 hanggang 17.
Ayon sa OCTA, nasa 49% lamang ang trust rating ng Senado noong Hulyo, mas mababa sa 57% noong Nobyembre 2024. Lumagapak din ang performance rating ng Senado mula sa 53% at naging 47% na lamang.
Ayon sa 1,200 respondents, undecided sila sa trust at satisfaction sa trabaho sa Senado.
Samantala, tumaas naman ang ratings ng Kamara sa 57% noong Hulyo, mas mataas sa 49% noong Nobyembre 2024.
Tumaas din sa 55% ang performance rating ng Kamara sa nasabing buwan kumpara sa 47% noong nakaraang TNM survey.