MANILA, Philippines — “Kesa naman yung mga walang kwenta ang pumasok sa Top 12. Dito na ’ko…”
Todo na ang suporta ni Vice Ganda kay senatorial candidate Atty. Benhur Abalos Jr. matapos siyang iendorso ng sikat na komedyante sa isang viral post sa social media.
Sa isang maikling video na in-upload sa kanyang Facebook page, sinabi ni Vice Ganda—Jose Marie Viceral sa totoong buhay—“Kesa naman yung mga walang kwenta ang pumasok sa Top 12. Dito na ’ko…” habang kalakip ang larawan ni Abalos. Umabot agad sa 11.7 milyon ang views ng post sa loob lang ng isang araw.
Matagal nang isinusulong ni Vice Ganda ang matalinong pagboto. Sa kanyang noontime show, ipinaliwanag niya ang papel ng mga mambabatas: “Ang trabaho talaga nila ay gumawa ng batas. Kaya dapat ang iboboto natin sa Kongreso at Senado ay yung may alam at may planong gumawa ng batas.”
Dating DILG Secretary, MMDA Chair, at Mayor ng Mandaluyong si Abalos.
Bukod kay Vice Ganda, sinuportahan din si Abalos ni dating VP Leni Robredo, na nagsabing: “Hindi siya madaldal, pero walang tigil sa pagtulong.”
Bitbit ni Abalos plataporma ng pagtanggal ng VAT sa kuryente at langis, reporma sa batas sa bigas, at proteksyon sa maliliit na mangingisda at kontraktuwal na manggagawa.