Dear Dr. Love,
Anim kaming magkakapatid kaya napilitan ang nanay ko na magtrabaho bilang domestic helper sa Qatar na ilang taon nang hindi umuuwi.
Biglaan namang na-stroke ang tatay ko kaya napilitan akong huminto sa pag-aaral para asikasuhin ang mga kapatid ko.
Mabuti na lamang at nagmagandang-loob ang tita ko na kunin si tatay para alagaan. Gusto naman ni lola na paghati-hatiin kaming magkakapatid sa iba naming kamag-anak dahil matanda na rin siya.
Wish ko lang na makauwi na si nanay para hindi na kami maghiwa-hiwalay pa. Hindi baleng mahirap at walang makain, matitiis ‘yun at magagawan ng paraan, basta sama-sama kaming pamilya.
Bakit ba ang unfair ng life?
Jobelyn
Dear Jobelyn,
Isa kang mabuting anak dahil inisip mo pa rin ang kapakanan ng iyong mga kapatid at magulang.
Hindi mo nabanggit kung ilang taon ka na, pero ipagpalagay na nasa hustong gulang ka na at magagawa nang mamamasukan.
Maaari mo itong subukan o kung hindi man ay magtinda ka ng miryenda, basta isang hakbang na may pagkakitaan.
Sa ganitong praan ay makakaagapay ka sa pang araw-araw na pangangailangan ninyong magkakapatid.
Baka sa ganitong paraan, habang hinhintay mo ang pag-uwi ng iyong nanay ay makumbinsi mo ang lola mo na huwag na ka-
yong paghiwa-hiwalayin na magkakapatid.
Sa panahon ngayon, talagang pinakamabuti na kasama natin ang mga mahal sa buhay, lalo na ang mga bata pa. Ang payo ko sa’yo ay magpakatatag ka. Kasama mo ako sa pa-
nalangin na makauwi na agad ang inyong nanay para sa kapa-kanan ng pagkakabuklod ninyong magkakapatid.
Huwag ka mawalan ng pag-asa.
Dr. Love