12 patay, 9 pa nawawala kay Crising, Habagat


MANILA, Philippines — Umakyat na sa 12 katao ang nasawi habang siyam ang nawawala dulot ng bagyong Crising at Habagat sa bansa.

Ayon kay PNP spokesman, Brig. Gen. Randulf Tuaño, karamihan sa mga nasawi ay dahil sa pagkalunod at lima sa kanila ay naitala sa Calabarzon; tatlo sa Negros Island Region; tig-isa sa Mimaropa at Metro Manila.

Dalawa ang naiulat na nabagsakan ng puno sa Northern Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nasa lima ang nawawala dahil sa flashflood sa MM, tatlo sa Western Visayas at isa sa Calabarzon.

Sinabi pa ni Tuaño na higit 6,000 pulis ang inilagay sa “stand-by alert” para sa mabilis na pagtugon.