January 27, 2026 | 12:00am
ISINILANG ang 13-anyos na batang babae sa Camarines Sur na may cleft lip. Bunso sa walong magkakapatid, lumaki ang bata na may takot at hiya sa kanyang kalagayan kaya’t hindi s’ya nakatuntong sa eskuwelahan.
Hindi lang ‘yan, ang kanyang nanay ay plain housewife at ang tatay ay isang magsasaka na ang kita ay halos eksakto lang sa pang-araw-araw nilang gastusin o pagkain. Mahabang panahon din na pinangarap ng bata ang bagong ngiti. Enter the dragon! Este pasok ang Camarines police.
Nagsasagawa ng Revitalized Pulis sa Barangay ang tropa ni Lt. Katherine Guiriba, ng PMFC, nang makarating sa kanilang atensiyon ang sitwasyon ng bata. Tinulungan ni Guiriba ang pamilya sa dokumento at pinansiyal, at matagumpay na nagsagawa ng corrective surgery sa Quezon City noong Enero 22.
Sa ngayon, nakakangiti na ang bata. Wow na wow! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Siyempre, nakarating kay PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ang pagmamalasakit ng mga pulis sa bata. “This story reminds us that policing is also about compassion and restoring dignity, especially to those who need it most,” pahayag ni Nartatez.
“Mahalaga na maramdaman ng mamamayan na ang pulis ay handang umunawa at tumulong,” ang giit ni chief PNP. Idinagdag pa n’ya na; “When we extend help beyond our mandate, we give people—especially children—a chance to hope again and to keep that smile of hope alive.” Purbidang yawaahhh!
“Para sa mga bata, mahalaga na hindi mawala ang pag-asa sa kanila at ang ngiting nagbibigay-lakas sa kanila para mangarap at magpatuloy sa buhay,” ang giit pa ni Nartatez. Anong sey n’yo mga kosa? Dipugaaa! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Maaga namang nagpakita ng lakas ng loob ang bata. Kahit hindi man s’ya nakapatong sa eskuwelahan, nagpakita s’ya ng lakas ng loob sa kagustuhang matuto sa pagbasa at pagsulat sa tulong ng kanyang nakakatandang mga kapatid. Lubos na naantig ang R-PSB Team ni Guiriba sa kanyang kalagayan kaya’t agad nilang isinulong ang pangmatagalang tulong.
Nakipag-ugnayan si Guiriba sa Philippine Band of Mercy sa Quezon City, isang organisasyong nagbibigay ng libreng corrective surgery para sa mga batang may cleft lip at palate.
Isinagawa kaagad ang kanyang pre-assessment noong Enero 20. Personal ding sinamahan ng team ni Guiriba ang pamilya sa pagkuha ng mga medical requirements, kabilang na ang Philhealth enrolment at mga kaukulang clearances.
Noong Enero 18, sinamahan nina Guiriba at Cpl. Kriezelle Mae D. Miranda ang bata at ang kanyang kapatid patungong Quezon City at nagka-corrective surgery ito pagkalipas ng apat na araw. Sa kasalukuyan, siya ay maayos na nagpapagaling. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Teka, teka, naging mahalagang katuwang sa prosesong ito sina Marilyn Bo Corpuz, Head of Program and Services, at Ryan Panaligan, Medical Social Worker ng Philippine Band of Mercy.
Ang ganitong inisyatiba ng PNP, sa liderato ni Nartatez, ay malaki ang maitutulong para lumapit ang kalooban ng mga Pinoy sa kapulisan. Mismooo! Abangan!