3 LPA sa loob, labas ng PAR binabantayan


MANILA, Philippines — Patuloy na binabantayan ng ­PAGASA ang tatlong low pressure areas (LPA) na nasa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Alas-8 ng umaga kahapon, ang LPA na namataan sa loob ng PAR ay mababaw ang tsansang maging bagyo sa susunod na 24 oras. Ito ay naitala sa layong 790 km hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. 

Ang ikalawang LPA ay nasa labas ng PAR pero may bahagyang potential na maging isang bagyo sa susunod na 24 oras. Ito ay remnant o nalalabing bahagi ng bagyong Bising na huling namataan sa layong 475 hilagang kanluran ng Itbayat. 

Ang isa pang LPA na nasa labas din ng PAR ay walang tsansang ­maging bagyo sa susunod na 24 oras. Huli itong nakita sa layong 2,070 km ­silangan ng extreme Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, ang Habagat ang nagdudulot ng patuloy na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.