MANILA, Philippines — Naniniwala si World Boxing Council welterweight champion Mario Barrios na hindi niya idedepensa ang kanyang suot na korona laban sa laos nang 46-anyos na matanda.
Kundi sa isang tinawag niyang “killer”.
Nangako si Barrios na hindi siya magkukumpiyansa laban kay Manny Pacquiao na 16-anyos ang tanda sa kanya sa bakbakan nila sa Hulyo 19 sa MGM Grand sa Las Vegas.
“If the roles were reversed, Pacquiao wouldn’t try to take it easy on me,” sabi ng Mexican-American sa panayam sa kanya ni Manouk Akopyan ng The Ring. “He’s not going to feel sorry for me in there. It’s just the reality of the sport. I am ready to defend my title by any means necessary,” dagdag nito.
Ipinakita ni Pacquiao ang kanyang kabagalan at kahinaan sa huli niyang pro bout noong 2021 nang matalo kay Cuban Yordenis Ugas na pinaglaruan lamang ni Barrios sa kanilang nakaraang suntukan.
Iginiit ng Filipino icon na ang apat na taong pagkawala sa eksena ay bumuhay sa kanyang hangarin na maging pinakamatandang welterweight champion sa kasaysayan na nagawa na niya sa edad na 40-anyos nang bugbugin si Keith Thurman noong 2019.
Kaya namang mag-iingat ang 30-anyos na si Barrios sa pagharap sa dating eight-division world champion.
“It’s kill or be killed in there. I have to go in there and make sure my hand is raised by any means necessary, whether it’s by knockout or by decision. He has age. I have to be ready for whatever he brings,” ani Barrios.
Hindi rin siya magpapaapekto sa legendary status at mabait na personalidad ni Pacquiao na plano niyang muling ibalik sa retirement.
“He’s such a likable dude. It’s hard to be like, ‘Man, I’m about to square up with him for my title.’ But I am going in there with bad intentions. I am trying to get him out of there,” ani Barrios. (Dino Maragay)
