3 paslit ni-lock ng ama, tepok sa sunog!


Doris Franche-Borja — Pilipino Star Ngayon

February 27, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines —  Patay ang tatlong batang magkakapatid matapos na masunog ang kanilang bahay na ni-lock ng kanilang ama kamakalawa ng umaga sa Pangasinan.

Ang mga biktima ay kinilalang sina alyas “Je­niel”, 6; “James”, 4; at “Jennila”, 3.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang sunog bandang alas-9:45 ng umaga sa Brgy. Magallanes, Tayug, Pangasinan.

Ayon kay FInsp. Nerissa Bruan, acting municipal Fire Marshal, iniwan ang magkakaptaid ng kanilang ama na si Raymart at isinara ang bahay habang nagcha-charge ng cellphone sa bahay ng kapitbahay.

Pagbalik ni Raymart bandang 9:45 ng umaga, dinatnan niyang nilalamon na ng apoy ang kanilang bahay. Narinig na lamang nilang may mga umiiyak kaya sinira na ang mga jalousie ng bahay para sagipin ang mga biktima. Gayunman, dahil sa laki ng apoy na-trap ay pahirapan ang pagkuha sa kanila. Nang makuha ang kanilang mga katawan, isinugod sa Municipal Health Unit pero kapwa patay na dahil sa suffocation.