February 28, 2026 | 12:00am
PRO5 naghigpit sa mga motorista
Legazpi City, Albay, Philippines — Naalarma ang liderato ng Police Regional Office 5 sa lumabas na ulat base sa kanilang datos na umabot na halos sa 4-libo ang nangyaring mga aksidente sa kalsada sa iba’t ibang panig ng Kabikolan sa loob lamang ng mahigit dalawang buwan.
Sa ulat na inilabas ng PRO5 sa pangunguna ni Regional Director Brig. Gen. Erosito Miranda, simula noong Disyembre 1, 2025 hanggang nitong Pebrero 25 ngayong taon ay umabot na sa 3,934 ang mga naitalang road accidents na karamihan ay nagresulta ng pagkasawi, physical injuries, at damaged to property.
Kaugnay nito ay agarang nag-utos si Miranda sa mga tauhan sa buong rehiyon na palakasin ang kanilang mga programa hinggil sa road safety at enforcement operations. Iniutos din ng opisyal na magdagdag ng deployment upang tumulong sa traffic management at magpaalala sa mga motorista na mahigpit na sundin ang lahat ng batas sa trapiko.