5 bagong DPWH Usec itatalaga ni Dizon


Mer Layson — Pilipino Star Ngayon

September 9, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Secretary Vince Dizon na magtatalaga siya ng mga bagong undersecretary sa Department of Public Works and Highway (DPWH) upang makatulong niya sa ginagawang ‘paglilinis’ sa loob ng ahensiya.

Kasunod na rin ito nang direktiba niya sa lahat ng DPWH deputies kamakailan na magsumite ng kanilang courtesy resignations.

Ayon kay Dizon, sa ngayon ay limang katao na ang napipisil niya upang maging bagong undersecretaries ng ahensiya.

Aniya pa, lahat ng ito ay pawang outsiders at kanyang pinagkakatiwalaan.

Kabilang dito sina Office for Transportation Security (OTS) Administrator Arthur Bisnar, retired ­general Charles Calima Jr., NAPOLCOM Commissioner Rico Bernabe, at Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) Chief Regulatory Officer Arrey Perez.

“I know them, I trust them, they were referred by people I trust,” ani Dizon. “We need to really bring in new blood.”

Ani Dizon, naisumite na niya ang appointment papers ng mga ito sa Malacañang, at hinihintay na lamang ang pag-apruba ng Pangulo.