MANILA, Philippines — Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki makaraang aksidente itong madaganan na nabuwal na puno ng buli sa Brgy. Ibabao, Estancia, Mandaue City, Cebu.
Kinilala ang biktima na si Christian Quilaton Jr., nagtamo ng matinding sugat sa katawan na agad nasawi sa insidente.
Sa ulat ng Mandaue City Police, naganap ang insidente nitong Abril 1 habang kasalukuyang naglalaro ang biktima sa naturang lugar nang aksidenteng mabuwal ang matandang puno ng buli na dumagan sa kanya na nagresulta ng agarang kamatayan.
Nabatid na ang bata ay inihabilin ng kaniyang mga magulang sa lolo nito dahilan nagtratrabaho ito kung saan hindi namalayan ng matanda na naglaro na ang biktima malapit sa puno ng buli.
Pinaniniwalaan namang lumambot ang lupa sanhi ng mga pagulan sa lugar na naging sanhi ng pagkabuwal ng matandang puno.