9 contractors pa nag-donate ng campaign funds


Mer Layson — Pilipino Star Ngayon

September 8, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na may natukoy pa silang siyam na contractors, na nag-donate sa kampanya ng ilang kandidato sa 2022 elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang mga naturang contractors ay nagbigay ng kontribusyon sa mga senador at mga kongresista, gayundin sa political parties at party-list groups.

Natuklasan din umano ng Comelec na may isang kontratista ang nagbigay sa 2-3 kandidato.

Mayroon din naman na isang kandidato ang nakinabang sa tatlong construction company.

Una nang sinabi ni Garcia na nasa 31 na ang contractors na natukoy nilang nagbigay ng campaign donation sa ilang kandidato sa 2022 polls.

Ang listahan ng mga naturang contractors, na posibleng nagbigay ng donasyon sa mga kandidato sa 2022 elections, ay naisumite na ng Comelec sa House Committee on Appropriations.